9.24.2006

Ako'y Maghihintay

Alam kong ikaw ay bata pa
Walang malay sa mundo
Ngunit damdamin ko sayo'y tila nahuhulog
Bata man ito'y, ako'y mayroong pagtingin
Wag mo sanang mapansin ako'y naglalambing

Dahil hindi pa tamang panahon
Upang magmahalan
Kahit ang puso ay nasasaktan

Ako'y maghihintay lamang sa'yo
Hanggang umabot tayo sa takdang panahon
Magtitiis, magbibigay
Kahit umabot pang habang buhay
Ako'y maghihintay (Ako'y maghihintay)

Habang ako'y naghihintay
Wag sanang magbago
Hindi ko kakayanin na ikaw ay lumayo
Darating din ang araw at sasabihin ko
Kung ano ang tunay kong nadarama sa'yo

Hindi magbabago ang damdamin ko sa'yo(Ang damdamin ko sa'yo)
At balang araw ay magtatagpo ang puso
Ako'y maghihintay lamang sa'yo
Hanggang umabot tayo sa takdang panahon
Magtitiis, magbibigay
Kahit umabot pang habang buhay
Ako'y maghihintay (Ako'y maghihintay)

0 Comments:

Post a Comment

<< Home

Clay Aiken - Invisible

More music video codes at Get Music Video Codes